Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung paano nagkagulo at nag-ingay ang mga tao sa Araneta Coliseum nang lumabas ng stage si Mark Anthony Fernandez sa Let's Celebrate! Birthday Blowout nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong August 27. Isa si Mark sa mga nangharana kay Marian.
Nakabibinging sigawan at malakas na palakpakan ang sumalubong kay Mark Anthony, na kahit ang big bosses ng GMA Network ay nagulat sa mala-big star na reaction ng tao sa panganay na anak ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez. Naikuwento rin sa amin ng isang source na pinagkaguluhan din si Mark sa Cagayan de Oro City nang mag-guest ito kasama ang iba pang Kapuso stars.
Ang Big Dome incident ang unang itinanong ng PEP kay Mark Anthony nang ma-interview namin siya sa last taping day ng Ako Si Kim Sam Soon sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rose, Laguna, kahapon, September 1. Kasama rin sa inalam namin ang mala-heartthrob niyang status na dala nang muling pagsigla ng kanyang career. Hindi ba siya nagulat sa lakas ng sigawan ng mga tao sa Araneta Coliseum?
"Nagulat din, pero mas masaya ako, tuwang-tuwa sa mainit nilang pagtanggap sa akin at sobrang thankful ako," sabi ni Mark Anthony. "Alam nating ang mga taong dumating ay dahil kina Marian at Dingdong, pero na-appreciate pa rin nila ako. Mas malakas na sigawan yun kesa noong nasa Gwapings pa ako." Ang tinutukoy ni Mark ay ang dati niyang grupo kasama sina Jomari Yllana at Eric Fructuoso.
Ini-expect niya ba na magiging ganun kainit ang reception sa kanya?
"Pini-pray ko, pero hindi ko ini-expect. Alam kong mare-recognize pa rin ako, hindi ko lang ini-expect na ganun ka-warm ang acceptance nila sa akin. Malaki ang pasasalamat ko na pinapanood at gusto pa rin nila ako. Kaya naman ginagawa ko ang homework ko as an actor at nag-eensayo ako para magka-muscles ng konti. I play badminton, basketball, and I watch what I eat," saad ni Mark Anthony.
"MAGALING NA AKTOR." Kapag sinasabing magaling siyang aktor, ano ang dating kay Mark Anthony nito?
"Natutuwa ako and at the same time, may konting takot at pressure. Honored dahil sa dami ng magagaling na actors, napapansin ako. But I have to live up to that word na ‘magaling na aktor' and the fans' expectations. Mahirap, pero gagawin ko ang lahat.
"Alam ko na rin kung anong genre ang gusto ko at kung saan ako kumportable. Nakikita ko ang sarili ko at itinuturo ng puso ko na pang action-drama ako. Ang comedy, pinakamahirap gawin at nasubukan ko na yun. Na-realize kong pang action-drama ako."
Sina Robin Padilla, Richard Gomez, Richard Gutierrez, Aga Muhlach, ang amang si Rudy Fernandez, at si Fernando Poe, Jr. ang idols at gustong sundan ni Mark ang career path. Sa foreign actors, gusto niya sina Tom Hanks, Brad Pitt, at Joseph Fiennes [Shakespeare In Love], lalo na ang huli at binanggit pa nito ang mga pelikulang ginawa ng Hollywood actor.
CRUSH NG BAYAN. Kilala si Mark as Cyrus, ang leading man ni Regine Velasquez sa Ako Si Kim Sam Soon. Ikinuwento ng aktor na kahit saan siya magpunta ngayon, ang pangalan niya sa Pinoy adaptation ng Korean comedy series na umeere sa GMA-7 ang tawag sa kanya.
Kuwento niya, "Misan nga, nasa SM Las PiƱas ako, yun ang tawag sa akin ng mga lumapit para magpa-autograph. ‘Katuwa, yung unang limang lumapit, dumami. Hindi dati nangyayari yun, madalas ako sa mall na yun dahil malapit sa amin. Pinirmahan ko naman isa-isa ang mga papel na ibinigay sa akin at dahan-dahan akong um-exit sa tulong ng security."
Bukod sapagiging heartthrob, siya raw ang isa sa mga "crush ng bayan" ngayon. Any reaction?
"Heartthrob daw ako?" balik-tanong niya. "Ang sarap ng feeling. Thank you, thank you kung kasama ako sa crush ng bayan. Gusto kong sabihin sa may mga crush sa akin na sana, bukod sa gusto ninyo ako, panoorin n'yo ang Ako Si Kim Sam Soon."
MARK ANTHONY'S BROTHERS. Sa nababalitang pagpasok sa showbiz ng mga half-brothers niyang sina Renz (as actor) at Ralph (as director), natutuwa si Mark dahil madadagdagan ang Fernandez sa showbiz.
"Pero yung kay Renz, hindi pa sure," sabi ni Mark. "Baka next year pa dahil nag-aaral pa siya, may one year pa siya sa school. Si Ralph naman, puwede na siyang magdirek. Alam ko graduate na siya ng directing at nag-aaral pa rin. Payag ako kung magkakasama kami ni Renz sa project, kahit support niya ako."
Dagdag niya, "Gusto ko rin ng directing, pero parang ayaw ni Papa, sa acting na lang daw ako. Pagbutihin ko na lang daw ang acting ko, na ginagawa ko."
NEXT PROJECT. Wala pang bagong pelikulang ginagawa si Mark. As of now, mas focused siya sa TV. Kung bibigyan ng movie project, gusto niya kasing ganda ng Mangarap Ka, Dos Ekis, at Matimbang Pa sa Diyos—his top three favorite movies. Ang dami raw niyang nominations sa Mangarap Ka na ginawa nila ni Claudine Barretto para sa Star Cinema, pero hindi pa siya nagkaka-award.
Samantala, hindi palalampasin ng GMA-7 ang bagong lakas ni Mark sa fans. Pagkatapos ng Ako Si Kim Samsoon ay may kasunod na siyang project. Bawal pa nga lang pangalanan ang title nito. Basta fantasy-drama raw ito at kabilang sa mga makakasama niya sina Yasmien Kurdi at Keempee de Leon. Sa November daw ang airing nito.
Bukod sa GMA Network, pinasasalamatan din ni Mark si Regine Velasquez sa muling pagbago ng kanyang career. "Miss Reg" ang tawag niya sa Asia's Songbird at ang kaisa-isa niyang wish ay makasama uli ito. Kaya lang, nabalitaan ng PEP na magkaiba ang projects nila after Ako Si Kim Samsoon. Iba ang makakasama ni Mark at iba rin ang kasama ni Regine sa next show niya na wala pang clue, except na malaking cast ito.

No comments:
Post a Comment