Friday, September 19, 2008

Dennis Trillo nervous about his title role in Gagambino

Nag-pictorial na ang buong cast ng bagong telefantasya ng GMA-7, ang Gagambino, na pinagbibidahan ni Dennis Trillo noong September 16 sa GMA Network Center.

Sa naturang pictorial -- kung saan kasama rin sina Katrina Halili, Nadine Samonte, Jean Garcia, Bernadette Allyson, Isabel Oli, Mart Escudero, at Jennica Garcia—inamin ni Dennis na may kaba siyang nararamdaman sa pagbibida niya sa Gagambino.

Unang-una na dahil ang Gagambino ang papalit sa timeslot ng top-rating na Dyesebel. Pakiramdam ni Dennis ay baka mahirapan silang pantayan man lang ang ratings ng Dyesebel.

stars"May pressure nga doon pa lang. Siyempre, marami ang nag-e-expect na maging kasing-taas namin ang Dyesebel. Ang dasal ko lang naman ay makapantay man lang. Hindi na ako siguro hahangad pa na talunin yung naging ratings nila. Pero kung makakuha kami ng mas mataas, matutuwa pa rin naman kami, di ba? At least, na-meet namin ang expectations nila kahit papa'no," pahayag ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pangalawa ay first time ni Dennis na maging solong bida sa isang primetime series. Huli siyang naging lead sa telefantasya na Zaido, pero kasama niya rito sila Aljur Abrenica at Marky Cielo. Naging leading man naman siya sa mga afternoon drama series na Kung Mahawi Man Ang Ulap at Magdusa Ka, kung saan nakatambal niya ang leading ladies niya ngayon sa Gagambino na sina Nadine Samonte at Katrina Halili.

Kaya para kay Dennis, iba raw ngayon sa Gagambino dahil nasa title role siya.

"Mas nakakakaba dahil parang bitbit ko ang buong show. Sa akin nga pinagkatiwala ang Gagambino na project and it's up to me na pagandahin ang bawat episode na mapapanood nila.

"But of course, hindi ko naman magagawa ‘yan na ako lang. Maganda ang cast na nilagay nila, lalo na ang mga leading ladies ko na sina Nadine at Katrina na kailan ko lang naman nakatrabaho pareho. Lahat naman kami, nagdarasal na maging maganda ang pagtanggap nila sa bagong telefantasya na ito ng Kapuso network."

No Media Fanfare

Naging tahimik at walang media fanfare ang first birthday celebration ng baby boy ni Dennis na si Calix Andreas last September 13. Desisyon daw ni Dennis at ng ina ni Calix na si Carlene Aguilar na maging tahimik at hindi maging parang circus ang first birthday ng kanilang anak.

"Yun naman ang gusto naming dalawa para makaiwas na rin sa anumang gulo or tsismis, di ba? Kami naman ni Carlene, nagkakasundo kami sa ganyang bagay, lalo na when it involves our son Calix.

"Naintindihan naman kami ng mga friends namin sa media na walang big coverage ng birthday ni Calix. Gusto namin ng tahimik lang para enjoy lahat. Mahirap na kasi na kapag may media, may mga masasabi pa ang ibang tao. Mabuti na yung wala na lang para tahimik at maayos na naidaos namin ang kaarawan ni Calix," pagtatapos ni Dennis.